Mga FDA Fact Bahagi 2, 10 Fact tungkol sa Ano ang Inaaprubahan at Hindi Inaaprubahan ng FDA #FDAFacts
Totoo bang ‘Aprubado ng FDA’? Bahagi 2
Narito ang 10 pang fact sa pagpoprotekta ng FDA sa kalusugan ng publiko:
Fact #11: Ginagamit ng FDA ang dermal filler bilang medical device.
Ang dermal filler ay parang gel na tinuturok sa ilalim ng balat upang gumawa ng mas makinis o buong hitsura sa labi, mukha, o likod ng mga kamay.
Pinapayuhan ka ng FDA na makipagtulungan sa isang lisensyadong propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan na marunong magturok ng dermal filler, may alam sa mga filler, anatomy, pamamahala ng komplikasyon, at ang pinakamahalaga, ipinapaalam ang panganib at benepisyo bago tanggapin ang medikal na pamamaraan na ito.
Mag-ingat: Hindi aprubado ng FDA ang injectable silicone o anumang injectable filler para sa body contouring o enhancement.
Fact #12: Walang homeopathic na mga produkto na FDA-approved, kabilang sa homeopathic na mga produkto ang para sa ubo at sipon.
Ang homeopathic na mga produkto ay karaniwang may label na “Homeopathic” at may kasamang mga sangkap na nakalista sa mga tuntunin ng dilution, hal. 1X, 6X, 2C.
Dahil ang homeopathic na mga produkto ay hindi inaprubahan ng FDA para sa anumang paggamit, ang mga ito ay hindi naipakita na nakakatugon sa mga pamantayan ng FDA para sa kaligtasan, pagiging mabisa, at kalidad.
Fact #13: Hinihikayat ng FDA ang magkakaibang paglahok sa mga klinikal na pagsubok.
Dapat kumatawan ang mga kalahok sa mga klinikal na pagsubok sa mga pasyenteng gagamit ng medikal na mga produkto.Ang mga babae, mga tao mula sa lahi at etnikong minorya, matatanda, at iba pang magkakaibang mga grupo ay madalas na kulang sa representasyon sa klinikal na pananaliksik. Kung sa tingin mo ay angkop sa iyo ang klinikal na pagsubok, kausapin ang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan mo.
Fact #14: Iniaatas ng FDA na magbigay ang mga tagagawa ng makakatulong na nutrition information sa food labels upang mapadali ang malusog na pagkain.
Iniaatas ng FDA na i-update ang nutrition facts label bago ang 2021. Kabilang dito ang paglista ng mas malaki at mas malinaw na sulat ng mga serving, pag-update ng laki ng mga serving size, paglalagay ng calories sa mas malaking type, pag-update ng daily values, paggawa ng linyang “Added Sugars,” at paggawa ng ilang karagdagang pagbabago sa mga kinakailangang sustansya.
Sinusuri rin namin ang iba pang paraan upang matiyak na ang mga consumer ay may higit na impormasyon sa mga food package, tulad ng pag-aatas ng partikular na impormasyon sa harap ng pakete at pag-update kung ang food product ay sinasabing “masustansya.”
Fact #15: Hindi naglilisensya ang FDA ng pharmacies, kabilang ang online pharmacies.
Legal na pinapatakbo ang ilang pharmacy website pero nagbebenta ang iba nang ‘di aprubado, peke, o ‘di ligtas na gamot na labas sa proteksyong sinusunod ng state-licensed pharmacies.
Mapoprotektahan mo ang sarili at pamilya mo sa pamamagitan ng pagiging maingat mo sa pagbili ng gamot online. Bisitahin ang www.fda.gov/besaferx para sa karagdagang impormasyon.
Fact #16: Kinokontrol ng FDA ang pagkain at gamot para sa mga hayop.
Alam mo bang may kinokontrol ng FDA ang pagkain ng mga hayop, kabilang ang pet food at livestock feed, pati ang mga gamot para mapanatiling malusog ang mga hayop?
Fact #17: Higit sa 12,000 mahusay na kwalipikadong scientist ang nasa FDA.
Ang pananaliksik, mga gawaing pang-agham ng mga scientist, at mga imbensyon ng mga scientist ng FDA ay nakaaapekto sa buhay ng mga Amerikano.
Para maprotektahan ang integridad ng mga programa at operasyon ng FDA, napapailalim ang mga empleyado ng FDA sa mahigpit na hanay ng ethics requirement upang matiyak na walang salungatan ng interes sa mga trabaho nila. Ang mga desisyon ng FDA ay nakabatay sa agham at nakatuon sa pagprotekta at pagtaguyod ng pampublikong kalusugan.
Fact #18: Kinokontrol ng FDA ang pagkolekta ng dugo at mga blood component.
Kabilang dito ang blood at blood components para sa transfusion at plasma na ginagamit sa paggawa ng produkto, tulad ng immunoglobulins at clotting factors. Nagtatatag ang FDA ng mga regulasyon, at nagbibigay ng rekomendasyon sa mga blood establishment, at sinusuri ang mga aplikasyon nito para tumulong na tiyakin ang kaligtasan ng dugo at protektahan ang kalusugan ng mga donor ng dugo at plasma.
May kontrol din ang FDA sa devices na ginagamit sa pagkolekta ng dugo at mga component ng dugo at transfusion medicine, kasama ang blood collection systems, tests sa screening ng transfusion-transmitted infectious disease, pathogen reduction technology, at blood typing at tests sa compatibility.
Fact #19: Ang mRNA vaccines ay binuo batay sa ilang dekadang scientific study sa NIH bago pinayagan at inaprubahan ang mga ito ng FDA.
Ang mga dekada ng medikal na pananaliksik ay humantong sa pagbuo ng mRNA na mga bakuna. Noong 1961, natuklasan ng mga siyentipiko at sinimulang pag-aralan ang mRNA. Noong unang bahagi ng 2000’s, nakita sa breakthrough sa laboratoryo na ligtas na makakapaghatid ng mga tagubilin sa mga selula ang binagong mRNA. At noong 2016, nagtulungan ang mga scientist sa isang general vaccine design na may viral mRNA. Ang disenyong ito ay pinag-aralan para sa pagprotekta sa mga tao mula sa mga umuusbong na virus gaya ng Nipah virus at ang Middle East respiratory syndrome (MERS) coronavirus. Noong Enero 2020, mabilis na umalis ang mga siyentista mula sa pag-aaral ng iba pang mga viral na bakuna upang tumuon sa isang kandidatong bakuna para sa COVID-19.
Fact #20: Kung may reklamo ka tungkol sa isang produktong may kontrol ang FDA, pakikinggan ito ng ahensya.
May ilang paraan ang FDA para mag-ulat ng reklamo. Dalawa sa pangunahing reporting systems na magagamit ng consumer ay ang Consumer Complaint Reporting system at MedWatch.
Pakibisita ang www.safetyreporting.hhs.gov
Narito ang FDA upang ibigay ang facts, at makakatulong kung ibabahagi mo ang impormasyong ito sa komunidad o sa mga mahal mo sa buhay.
Para sa info, bisitahin ang FDA.gov/RumorControl.