U.S. flag An official website of the United States government

On Oct. 1, 2024, the FDA began implementing a reorganization impacting many parts of the agency. We are in the process of updating FDA.gov content to reflect these changes.

  1. Home
  2. For Consumers
  3. Consumer Updates
  4. Alamin Ang Iyong Mga Pagpipilian sa Paggamot para sa COVID-19
  1. Consumer Updates

Alamin Ang Iyong Mga Pagpipilian sa Paggamot para sa COVID-19


English

Ngayon ay mayroon kang ilang mga opsyon sa paggamot upang maiwasan ang pagka-ospital at iba pang malubhang komplikasyon ng COVID-19. Ang U.S. Food and Drug Administration (Pangasiwaan sa Pagkain at Gamot ng U.S.) ang mga panlunas gamit ang gamot para sa COVID-19 at inawtorisahan nito ang iba para sa pang-emerhensyang paggamit. Bukod dito, marami pang terapiya ang sinusubukan sa mga klinikal na pagsubok upang suriin kung ligtas at mabisa ang mga ito sa paglaban sa COVID-19.

Siyempre walang paggamot ang kapalit ng pagbabakuna laban sa COVID-19. Maghanap ng na-update na bakuna para sa COVID-19 na malapit sa iyo savaccines.gov.

Ngunit kung mayroon kang mga sintomas ng COVID-19 at positibo ang pagsusuri, huwag maghintay na makipag-usap sa iyong propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan tungkol sa mga magagamit na opsyon sa paggamot. 
Malalaman ng iyong provider ang pinakamahusay na opsyon para sa iyo batay sa iyong mga sintomas, mga panganib at kasaysayan ng kalusugan. Kailangang ireseta ng propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan ang mga gamot sa panggamot sa COVID-19 at masimulan ito sa lalong madaling panahon pagkatapos ng diagnosis upang maging mabisa.

Makukuha ang mga gamot para sa COVID-19 sa pamamagitan ng iyong propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan, mga parmasya, mga hospital at mga klinikang pangkalusugan. Narito ang mas higit pang pagtalakay sa ilan sa mga makukuhang paggamot sa COVID-19 at kung paano makakakuha ng mas higit pang impormasyon tungkol sa mga ito at sa iba.

Paano ko maa-access ang mga paggamot para sa COVID-19?

Depende sa iyong medikal na kasaysayan, mga panganib at sintomas, makakatulong ang iyong propesyonal ng pangangalagang pangkalusugan na malaman kung tama para sa iyo ang terapiyang inaprubahan ng FDA, o makukuha sa ilalim ng EUA. Ang mga gamot na pinahintulutan sa ilalim ng EUA ay nakalista sa EUA page ng FDA. Bukod dito, nagpapanatili ang pamahalaan ng U.S. ng isang locator tool para sa ilang terapeutika para sa COVID-19.

Anong mga paggamot ang makukuha para sa COVID-19?

Kung ikaw ay nahawahan ngunit ginagamot sa labas ng ospital, inaprubahan ng  FDA ang  Paxlovid (nirmatrelvir tablets at ritonavir tablets, co-packaged para sa oral na gamit) para gamutin ang COVID-19 sa ilang partikular na nasa hustong gulang.

Para sa ilang partikular na pasyenteng nasa hustong gulang at bata na may COVID-19, inaprubahan ng  FDA ang  Veklury (remdesivir). Ang intravenous (IV) therapy na ito ay inaprubahan para gamitin sa paggamot sa COVID-19 sa parehong mga pasyente na hindi nangangailangan ng ospital at sa mga naospital. 

Inaprubahan din ng FDA ang mga immune modulator na Olumiant (baricitinib) at Actemra (tocilizumab) para sa ilang mga naospital na nasa hustong gulang na may COVID-19. 

Maaaring awtorisahan ng FDA ang paggamit ng mga hindi inaprubahang gamot o mga hindi inaprubahang paggamit sa mga inaprubahang gamot, sa ilang sitwasyon. Ang tawag dito ay Emergency Use Authorization (EUA, Awtorisasyon para sa Pang-emerhensyang Paggamit). Kasama sa mga therapy na kasalukuyang available sa ilalim ng EUA para sa COVID-19 ang mga gamot o paggamot na epektibo laban sa mga virus (antivirals) at mga gamot na nagpapabago sa iyong immune system upang gumana ito nang mas epektibo (karaniwang tinatawag na immune modulators).

Patuloy na nakikipagtulungan ang FDA sa mga bumubuo, mananaliksik, tagamanupaktura, sa National Institutes of Health (NIH, Pambansang Institutong Pangkalusugan) at iba pang mga kaakibat upang mapabilis ang pagbuo at pagkakaroon ng mga terapeutikong gamot at biyolohikal na produkto upang mapigilan o gamutin ang COVID-19. Ang pagbuo ng mga panterapeutika ng COVID-19 na epektibo laban sa kasalukuyan at hinaharap na mga variant ay nananatiling kritikal na prayoridad. Patuloy kaming magsusumikap na mapadali ang pag-access sa ligtas, epektibo at mataas na kalidad na mga paggamot para sa COVID-19.

May napakaraming impormasyon online. Paano ko malalaman kung aling gamot ang ligtas?

Laging tiyakin na ang iyong impormasyon ay galing sa pinagkakatiwalaang pinagmumulan nito. Kung mayroon kang mga katanungan tungkol sa anumang gamot, makipag-ugnayan sa Division of Drug Information ng FDA sa 301-796-3400 o druginfo@fda.hhs.gov. Bukod dito, basahin ito sa Consumer Update (Update para sa Mamimili) upang matutunan ang tungkol sa mga mapanlinlang na produkto para sa COVID-19.

  • Upang malaman kung inaprubahan ng FDA ang gamot, magsaliksik sa database ng mga inaprubahang gamot: Drugs@FDA database.
  • Upang makita kung ang gamot ay awtorisado para sa COVID 19, bisitahin ang EUA page ng FDA.
  • Maaari mo ring bisitahin ang webpage ng FDA sa COVID-19 therapeutics

Paano ako makakasali sa klinikal na pagsubok na nauugnay sa COVID-19?

Kausapin ang iyong propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan tungkol sa posibleng pag-enroll sa klinikal na pagsubok sa iyong lugar. Para sa impormasyon tungkol sa mga klinikal na pagsubok para sa mga paggamot sa COVID-19, bumisita sa clinicaltrials.gov at COVID-19 Prevention Network (Network ng Pag-iwas sa COVID-19).

Narinig ko na ang ilang mga tao ay patuloy na hindi maganda ang pakiramdam kahit na matapos na ang matinding impeksyon. 

Kapag may mga sintomas ang mga tao ng ilang linggo, ilang buwan o maging ilang taon pagkatapos ng impeksyong COVID-2, ang tawag dito ay pangmatagalang COVID. Lumikha ang NIH ang RECOVER Initiative (Inisyatiba sa PAGBANGON) upang matutunan pa ang tungkol sa mga pangmatagalang epekto ng COVID-19. Nagkaroon ka man o hindi ng COVID-19, maaari kang makasali sa pananaliksik na RECOVER.

Consumer Updates Email

Subscribe to receive Consumer Updates email notifications.

Back to Top