10 Katotohanan tungkol sa Kung Ano ang Inaaprubahan at Hindi Inaaprubahan ng FDA #FDAFacts
Totoo bang 'Aprubado ng FDA'?
Baka nakita mo na ang mga salitang ito sa website ng isang kumpanya o sa patalastas ng produkto o paggamot. Narito ang ilang facts sa produktong aprubado at hindi aprubado ng FDA
Fact #1
Kasing bisa ng generic na gamot ang branded na gamot.
Magkapareho ang klinikal na benepisyo at panganib ng generic na gamot na aprubado ng FDA at katapat na branded. Kinakailangang magkapareho ang generic na gamot at branded na gamot sa dosis, kaligtasan, pagiging mabisa, tapang, katatagan, kalidad, at pangangasiwa.
Fact #2
Ang bitamina, mineral, erbal, at iba pang suplemento ay HINDI aprubado ng FDA para gumamot o pumigil ng sakit.
Kung nangangako ang supplement ng lunas sa isang problema sa kalusugan, marahil ay hindi ito totoo.
Fact #3
Di nag-aapruba ang FDA ng compounded drugs.
Ang compounding ay madalas na itinuturing na proseso na pinagsasama, pinaghahalo, o binabago ng pharmacist o doktor ang sangkap para gumawa ng mga gamot na tutugon sa kailangan ng pasyente.
Naobserbahan ng FDA na gumagawa ang compounders ng mali at mapanlinlang na pahayag.
Fact #4
Hindi aprubado ng FDA ang e-cigarette sa paghinto sa paninigarilyo.
Bagama't nakakatulong ang ilang e-cigarette sa mga adult na unti-unting tuluyang huminto, o bawasan nang husto ang paggamit ng mas mapaminsalang sigarilyo, walang e-cigarette ang aprubado ng FDA bilang pantulong sa paghinto sa paninigarilyo.
Fact #5
Ang FDA ay hindi nag-aapruba ng lugar
gaya ng mga kumpanya ng produktong medikal o provider ng health care gaya ng opisina ng doktor o laboratoryo
Fact #6
Walang sunscreen na hindi tinatablan ng tubig.
Nahuhugasan rin kahit ang mga may label na "water resistant". Sinasabi sa iyo ng mga claim na water resistance, nang 40 o 80 minuto, kung gaano katagal mong maasahang may proteksyon ka habang nasa tubig. Hindi dapat lagyan ng sunscreen ang mga sanggol na mas bata sa anim na buwan, huwag lang sila paarawan.
Fact #7
Di nag-aapruba ang FDA ng kosmetiko.
Hindi kailangan ang pag-apruba ng FDA sa mga sangkap (maliban sa ilang kulay) at label ng kosmetiko, tulad ng pabango, makeup, moisturizer, shampoo, kulay ng buhok, panlinis sa mukha at katawan, at panghanda sa pag-ahit. Ayon sa batas, hindi dapat "pinaghahalo" o "binabago ang tatak" ng kosmetiko.
Fact #8
Ang mga bakunang aprubado ng FDA ay sinuring mabuti ng FDA para matiyak na ligtas at epektibo ito.
Ang pagtiyak na lahat ng bakuna ay ligtas at epektibo ay priyoridad ng FDA. Kasama sa pagsusuri ng FDA sa mga bakuna ang buong lifecycle ng paggawa at paggamit dito. Kabilang dito ang mga pag-aaral na ginawa bago ito subukan sa mga tao, mga pag-aaral sa panahon ng paggawa at patuloy na pagsusuri pagkatapos na maaprubahan at magagamit ang isang bakuna sa U.S.
Bonus fact: Walang kaugnayan ang mga bakuna at autism
Hindi suportado ng siyentipikong ebidensya ang kaugnayan ng bakuna at autism. Ang alalahanin na nakakadulot ng autism ang mga bakuna ay nauugnay sa bakuna sa tigdas, beke, at rubella at sa mga bakunang naglalaman ng thimerosal. Maraming mapagkakatiwalaan, peer-reviewed, at siyentipikong pag-aaral mula sa US at iba pang bansa sa buong mundo ang sumuporta sa kaligtasan ng mga bakunang may thimerosal.
Fact #9
May alalahanin sa kaligtasan ang paggamit ng CBD, at ibinebenta ang ilang produkto na may di-napatunayang pahayag na nakakagamot o nakakapigil ng sakit.
Napag-aralan na potensyal na makapinsala ang CBD sa atay, reproductive system ng lalaki, at may interaksyon sa mga gamot.
Isang produktong CBD lang ang aprubado ng FDA, isang de-resetang gamot para sa seizure ng mga bata na kaugnay sa ilang partikular na syndrome at sakit.
Maaantala ang consumer sa pagkuha ng mahalagang pangangalaga, gaya ng tamang diagnosis, paggamot, at suporta sa di-napatunayang claim ng produktong CBD. Kumausap ng healthcare professional bago gumamit ng produktong CBD.
Fact #10
Responsable ang FDA sa pagprotekta sa kalusugan ng publiko.
Responsable ang FDA sa pagprotekta sa kalusugan ng publiko sa pagtiyak sa kaligtasan, bisa, at seguridad ng mga pagkain at gamot ng tao at hayop, produktong biyolohikal at tabako, kagamitang medikal, kosmetiko, at produktong naglalabas ng radiation.
Ang kahulugan ng pagsusulong sa kalusugan ng publiko ay pagpapabilis sa inobasyong medikal at pagbibigay ng tumpak at siyentipikong impormasyon.
Narito ang FDA para magbigay ng facts at makakatulong ka sa pagbabahagi nito sa komunidad at sa mga mahal mo sa buhay.
Para sa info, bisitahin ang FDA.gov/RumorControl.