U.S. flag An official website of the United States government
  1. Home
  2. Medical Devices
  3. Products and Medical Procedures
  4. Home Health and Consumer Devices
  5. Consumer Products
  6. Mga Tip para Makatulong na Ligtas na I-charge ang Mga Medikal na Device at Iwasang Mag-overheat
  1. Consumer Products

Mga Tip para Makatulong na Ligtas na I-charge ang Mga Medikal na Device at Iwasang Mag-overheat

English Español 简体中文 (Simplified Chinese)

USB charger cable
Only charge your medical device with the charging accessories (for example, cables, chargers, and adaptors) provided by the manufacturer.

Nag-aalok ang FDA ng mga tip para makatulong sa iyo na i-charge nang ligtas ang iyong mga medikal na device. Ang pag-charge ng mga medikal na device sa maling paraan ay maaaring humantong sa pag-overheat, na maaaring magresulta sa mga sunog, maliit na pinsala, o malubhang pagkapaso.

Kasama sa mga medikal na device na gumagamit ng USB charger ang mga hearing aid, monitor ng glucose, insulin pump, at iba't ibang uri ng iba pang produkto. Nag-aalok ang FDA ng mga tip para makatulong na mabawasan ang mga panganib ng pag-overheat ng iyong device.

7 Mga Tip upang Makatulong na Ligtas na I-charge ang Mga Medikal na Device

  • Basahin, unawain, at sundin ang mga direksyon ng manufacturer para sa paggamit at pangangalaga ng iyong device.
    • Kung wala kang mga tagubilin o kung mayroon kang mga tanong tungkol sa mga ito, makipag-ugnayan sa manufacturer.
  • I-charge ang iyong medikal na device gamit ang mga accessory sa pag-charge na ibinigay ng manufacturer (halimbawa, mga cable, charger, at adapter).
    • Huwag gumamit ng mga accessory sa pag-charge ng third-party, kabilang ang mga accessory na gawa ng ibang manufacturer o para sa iba pang device, gaya ng iyong phone o tablet.
    • Ang mga accessory na ibinigay ng manufacturer ay nililimitahan ang ibinibigay na kuryente para ligtas na ma-charge ang baterya, ngunit ang mga third-party na accessory ay maaaring magbigay ng mas mataas na kuryente, na nagpapataas ng panganib ng pag-overheat, pagtilamsik ng apoy, o sunog, na maaaring humantong sa mga maliit na pinsala o malubhang pagkapaso.
  • Tingnang mabuti ang iyong medikal na device at mga accessory sa pag-charge kung may mga palatandaan ng pinsala, kabilang ang pagkatunaw at pagkabaluktot kung saan nakasaksak ang charger sa device.
    • Kung makakita ka ng mga palatandaan ng pinsala, ihinto ang pag-charge sa device at makipag-ugnayan sa manufacturer para sa mga kapalit na bahagi.
  • I-charge ang iyong medikal na device kung saan malinaw mong makikita ito, malayo sa anumang bagay na madaling masunog.
    • Huwag i-charge ang iyong device sa o malapit sa malambot na ibabaw tulad ng couch, unan, mga kurtina, o iba pang materyales, kung saan mas madali itong mag-overheat.
  • I-charge ang iyong device sa araw kapag gising ka.
    • Huwag i-charge ang iyong medikal na device nang magdamag kapag maaaring makaligtaan mo ang mga unang palatandaan ng pag-overheat ng device.
  • Alisin mula sa pagkakasaksak ang charger kapag ganap nang na-charge ang iyong device.
    • Huwag iwanan ang iyong medikal na device na nakasaksak sa charger pagkatapos itong ganap na ma-charge.
  • Protektahan ang iyong medikal na device mula sa matinding temperatura.
    • Huwag itong iwanan sa direktang sikat ng araw, o sa loob ng iyong sasakyan lalo na sa mainit o malamig na araw.

Ang mga tip sa kaligtasan na ito ay nagbibigay-diin o pandagdag sa impormasyong nasa mga tagubilin ng mga manufacturer para sa paggamit ng mga medikal na device na ito.

Iulat ang Problema sa Iyong Medikal na Device sa FDA

Iulat ang anumang problema sa pag-overheat ng iyong mga medikal na device sa MedWatch: Ang Programa ng FDA sa Impormasyong Pangkaligtasan at Pag-uulat ng Masamang Pangyayari (FDA Safety Information and Adverse Event Reporting Program).

Back to Top